Pangulo, Lider o Pinuno?

Pangulo, Lider, Pinuno o kahit ano pa man ang gusto ninyong itawag, iisa lamang ang kanilang mithiin, at ito ay ang kaunlaran ng nasasakupan ng bansang pinamumunuan. Isa sa pinakamakapangyarihang posisyon na maaring makamit  ng sinuman ngunit hindi lahat ay kayang gampanan ang kaagapay nitong mabigat na tungkulin. Hindi tatakbo ang isang bansa kapag wala itong gabay.

2011-philippine-state-of-the-nation-address

Ano nga ba ang mga katangian na kailangan ipamalas ng isang Pangulo ng Pilipinas upang matawag siya na karapat dapat sa sa kaniyang katungkulan na inatas ng sambayanan?

Noon, ang ating pangulo na si Ferdinand Marcos ay napatalsik sa kanyang tungkulin bilang pangulo ng Pilipinas sa kadahilanan ng kanyang malupit na pamumuno.

ferdinand-marcos-1

Sa kasalukuyan ang ating pangulo na si Rodrigo Duterte ay nagpapakita ng mga katangian na hindi kaaya-aya bilang isang Pangulo ng isang bansa. Mula sa pagmumura hanggang sa pagpatay, tila ang Pilipinas ay hindi na ligtas pang tirhan dahil sa kaniyang pamumuno.

PHILIPPINES-VOTE

Narito ang ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na pinuno:

  • Unang una sa lahat, nararapat lang na alam niya kung sino ang tunay na nakatataas sa lahat at ito ang Diyos Maykapal. Sa kanyang pamumuno, nawa’y katuwang niya ang Panginoon sapagkat siya ang gagabay sa lahat patungo sa  magandang buhay. Lahat ng gagawin niya ay magmumula sa salita at aral ng maykapal.

maxresdefault

  • Ang isang pangulo ay dapat na may paninindigan. Isang pangulo na hindi hinahayaan ang kaniyang mga pangako ay mapako na lamang. Ang mga pangako na kanyang binibitawan ay inaasahan ng mga mamamayan. Ito ay dapat na isakatuparan upang ang mga mamamayan ay magtiwala sa kanya ng lubusan. Buong puso niyang tinatanggap ang responsibilidad at pakaingatan ang tiwalang binigay ng kanyang nasasakupan. Kung kaya’t umaasa ang lahat na maigagabay niya ang bansa tungo sa matuwid na daan.

Duterte-728x342

  • Nararapat rin na dapat ay may mabuti siyang puso sa masa. Hindi lamang sa harap ng kamera niya pinapakita ang kabutihan ng kanyang puso kundi kahit wala ang mga ito. Mapagmahal sa kanyang tungkulin, bayan, at sa mga taong nasasakupan.
  • Bilang isang pangulo kailangan na siya ay matapat. Importante rin ang pagiging tapat niya sa kanyang mga kapwa bilang tao sapagkat sumasalamin ang kanyang tunay na kulay base sa mga binibitawan niyang salita. Hindi lamang sa salita kundi pati sa gawa. Tungkulin niyang gamitin ang kaban ng bayan para sa ikauunlad ng bansa, hindi para ibulsa lamang ito. Dapat na hinahangad niya ang ikagiginhawa ng mga taong kanyang pinagsisilbihan at hindi ang pansariling kagustuhan nang kanyang iniisip.
  • Marapat na siya ay maunawain at matulungin, kung saan iniintindi hindi lamang ang isang parte ng problema kundi tinitingnan ang kabuoan nito. Ang pangulong bukas sa publiko at hindi pinipili ang mga taong tutulungan. Hindi nagbubulag-bulagan sa mga suliranin ng bansa at ang nangunguna sa paghahanap ng solusyon. Inaasahan na hindi lahat ay sang- ayon sa bawat desisyon na kanyang gagawin kaya’t marapat na bukas ang kanyang isipan ukol dito.

Les-meilleures-entreprises-du-monde-pour-y-travailler-sont…

  • Importanteng malawak ang kanyang kaalaman sa pagpapalakad ng nasasakupan. Dapat na alam niya ang bawat bagay at pangyayari sa kanyang nasasakupan. Sa mga desisyong kanyang gagawin, nararapat na isaalang alang niya ang ikabubuti ng lahat. Makatutulong rin ang pakikinig sa opinyon ng sambayanan upang mas tumatag ang pagkakaisa ng gobyerno at  ng mamamayan. Ang mga kaalamang ito ay hindi nababase sa talino ng nasabing lider kundi sa mga estratehiyang angkop sa sitwasyong kinakaharap ng bansa. Tinitingnan niya bilang isang malaking larawan ang suliranin na dapat na agarang masolusyunan.

Philippines' President Rodrigo Duterte talks after visiting wounded soldiers who fight against the insurgents of the Maute group, at a military camp in Cagayan De Oro

  • Ang huli at pinakaimportante sa lahat ay ang pagiging patas. Pantay ang pagtingin sa lahat anuman ang estado nila sa buhay. Babae, lalaki, bata, matanda, mayaman man o mahirap walang dapat paburan ang isang lider datapwat ay pareho ang pakikitungo niya sa bawat isa. Kahit sino o ano man tayo, pantay-pantay ang ating karapatan. Ang isang pangulo ay dapat na malaman na walang aangat sa batas pati ang kanyang sarili.

cropped-stereotypes12

Ang isang bansa ay hindi mabubuo nang walang namumuno. Ang pangulo ang siyang gabay at tinitingala ng buong bansa.  Siya ang nararapat na maging magandang impluwensiya at huwarang pinuno. Tulad natin na ayaw diktahan ng sinuman sa kung ano ang gusto nating gawin, huwag rin sana natin itong gawin sa ating pinuno. Sa kabilang banda, ay marapat lamang na suportahan at maniwala sa kanyang abilidad. Sa kabuoan, hindi perpekto ang sinuman tulad ng ating mga tinatawag na Pangulo, pinuno o lider. Sila rin ay may mga kamalian ngunit sa tulong ng bawat isa, balang araw ay makakamit rin natin ang isang maunlad na bansang ating pinapangarap.

duterte

“Kapag nag-iisa lang tayo kakaunti lang ang ating nagagawa; kapag nagkaisa tayo napakarami nating makakamit.” – Aldrin Alegado

Publishing Team: 
 Ma. Myra Rebater 
 Ralph Christian Esguerra 
 Aldrin Alegado 
 Henry Rudy Vistan 
 Harold Palad III

Lakbay Sanaysay: Enchanted Kingdom

Bilang isang kabataan, madami akong gustong puntahan at marami akong gustong gawin. Isa na doon ay ang maghanap ng mga bagay na nagpapasaya saakin tulad ng paglalaro o simpleng panonood ng telebisyon. Pero minsan, naghahanap den ako ng bagay na alam kong ayaw ko pero gusto ko na ma-experience. Isa na dito ang Enchanted Kingdom.

33158313_1765984226802142_6135649146440253440_n

Noong bata pa lamang ako, matatakutin na talaga ako sa mga bagay na sobrang bilis o sobrang taas, hanggang ngayon natatakot parin ako pero hindi eto naging hadlang para ma-enjoy ko ang mga rides na meron sa enchanted at ang bonding time kasama ang aking pamilya.

“halata naman sa mukha ko na takot na takot ako”33109545_1765983853468846_3955654790737821696_n

Sa huli, natakot man ako at di masyadong nakasakay ng mga rides dahil mas inuna ko ang pagkain, nagsaya parin ako kasama ang aking pamilya.

33120780_1765943203472911_333113441524908032_n

Realisasyon:

Ang naging realisasyon ko sa lakbay na ito ay kahit gaano ka man katakot o kasangayon sa isang bagay na di mo gusto, meron paring mga tao na tutulungan ka upang tulungan ka at magkaroon ng masayang karanasan.

Published by Aldrin Alegado

The Palawan Experience

May mga iilang lugar sa Pilipinas na rin ang aking napuntahan ngunit isa ang Palawan sa pinakamagandang lugar sa bansa ang di ko malilimutan sa lahat ng aking binisita. Sa pagpunta ko sa Palawan ay kasama ko ang aking pamilya at walang makakapagsasabi ang saya na aking nararamdaman ng panahong yon. Halina’t samahan nyo ako sa aking paglalakbay sa El Nido, Palawan.
Inihanda na rin namin ng aking ina ang mga dadalhin na mga pangangailangan sa byahe. Nagdala na rin ako ng mga mapaglilibangan roon tulad ng aking mga materyales sa pagguhit. Sinalubong ako ng sariwang hanging dala ng lugar. Mahaba haba ang byahe namin patungo sa aming destinasyon, ang El Nido. Isa raw ito sa sikat na bayan sa Palawan, kung saan mas masisilayan ang gandang taglay ng nasabing pasyalan. Habang nasa byahe ay hindi ko mawari kung ano ang aking matutuklasan sa panibagong lugar na aking bibisitahin. Naiisip ko na ang mga balak kong gawin bago pa man ang aming byahe. Sa aming paglalakbay, ay kung ano-anong magagandang tanawin na ang aking nakita tulad ng mga nagtataasang mga bundok, sari-saring mga halaman at naglalakihang mga puno sa daan. Nasilayan ko rin ang ilang parte ng dagat at ito na angtugon na papalapit na kami sa aming paroroonan. Kitang-kita ko na ang bakas ng ngiti sa mukha ng bawat isa sa amin. Hangad namin na maging ligtas at masaya ang bakasyong ito kasama ang pamilya. Sa wakas, nakarating na rin kami sa El Nido, makalipas ang 6 na oras na byahe. Malapit ang naokupahang naming bahay sa dalampasigan kaya’t laking tuwa ko ng makita ito. Hilig ko na talaga ang pagpunta sa dagat, bata pa lamang ako. Kinabukasan ay nagsimula na ang aming tour sa iba’t ibang islang handog ng El Nido. Malayo pa lamang kami sa mga isla ay kita na ang linaw at ganda ng tubig dagat. Namumukadkad sa puno at mga halaman ang isla. May nakita rin kaming mga hayop tulad ng unggoy. Sa linaw ng tubig ay kitang kita ang mga naglalanguyang mga isda at iba pang matatagpuang lamang dagat. Pumunta rin kami sa kilalang atraksyon ng lugar, ang Underground River. Tila misteryo sa labas ang cave ngunit ibang-iba ito sa loob kung mapagmamasdan. Tila mahika ang nangyari sa pagpasok namin dito. Makikita ang mga naglalakihang bato na nakabubuo ng iba’t- ibang imahe tulad ng mga gulay, ang mahal na Mariang Birhen, si Hesus at Joseph, Jellyfish at iba pa. Hindi ko akalain na masisilayan ko ang ganitong kagandahan sa loob ng isang madilim at katakot takot na lugar. Sa bawat islang aming pinuntahan ay tila walang isa na hindi ka magsisising puntahan. Nakarating rin kami sa Small at Big Lagoon, na tila may pagkakaiba sa tempretura ng tubig. Sa Big lagoon kung saan nagniningning sa linaw ng tubig ay malamig naman ang temperatura ng tubig. Samantalang sa Small Lagoon, kung saan hindi gaanong kalinaw ang tubig ay siya namang init ng tubig rito. Kung anong ganda sa ibabaw ng tubig ay siya ring mahika sa ilalim nito. Nag-snorkling kami kung tawagin at nakita ko ang angking ganda ng yamang tubig sa isla ng El Nido. Samo’t saring mga isda at mga lamang dagat ang aming nakita. Tila ba sa telebisyon ko lamang nakikita ang tanawing ito.
Sa bandang dulo, ay baon ko ang mga magagandang memoryang inihandog sa akin ng Palawan. Tila di masukat kung gaano ako kasaya nang araw na iyon. Maliban sa magagandang tanawin ay kasama ko paggawa ng di malilimutang memorya ang mga mahal ko sa buhay. Ipinagmamalaki ko ang bansang ito at ang pagiging isang purong Pilipino na nananalaytay sa akin. Pagkatapos ng nasabing byahe ay napagtanto ko na hindi na dapat ako lumayo pa sapagkat nasa harapan ko na ang mga magagandang tanawing handog ng Pilipinas.

Published by Myra Rebater

Ang Baguio at Ako

Simula pa noong bata ako, ilang beses na ako nakarinig ng mga kwento tungkol sa baguio sa aking nanay. Kung gaano kalamig doon, kung paano may hamog na lumalabas na sa bibig nila sa lamig, kung gaano kaganda ang mga tanawin doon, atbp. Ngayon, nabigyan ako ng pagkakataon na pumunta na sa baguio sa wakas. Kasama pa ang buong pamilya ko at pamilya ng tatay ko na siyang dagdag saya sa aking pagpunta doon. Ako ay sabik na sabik na sa wakas makikita ko na ang probinsya ng baguio at ang mga pinsan ko na nakatira doon na noong bata pa ako ko sila huling nakita. Tumagal ng ilang oras ang aming biyahe papunta doon, at nung nakarating na kami dun sa tinatawag nilang “zigzag” ako ay lubhang nahilo, dahil dun hindi tuloy ako nakalabas sa sasakyan upang kumuha ng litrato nung sikat na ulo ng leon.

Nang makarating kami sa baguio ay napagdesisyunan namin na mag-ayos na lamang kami ng aming mga gamit sa cottage sa araw na iyon. Pagtapos namin mag-ayos ng mga gamit, nagkaroon ako ng pagkakataon na humabol sa mga ganap sa aking mga pinsan at iba pang mga kamag-anak. Kinabukasan, maaga kami gumising upang marami kaming mapuntahan. Inuna namin ang pagpunta sa sikat Strawberry Farm. Ngayon lang ako nakakita ng ganun kalawak na taniman ng strawberries. Pangalawa naming pinuntahan ay ang White House. Kami ay kumuha ng maraming litrato sa labas nito dahil bawal pumasok sa loob. Maraming nagbebenta ng pasalubong at napabili kami buong pamilya ng inde sinasadya. Pagtapos non, ay kumain kami ng hapunan sa isang restawran na tinatawag na “Good Taste” ang laki nito at mura ang mga pagkain dito kumpara sa Quezon City. Kinabukasan, kami naman ay pumunta ng PMA. Samu’t sari ng kagamitan at sasakyan na ginamit sa digmaan ang nakita namin doon. Pagtapos non ay nanatili kami para panuorin ang Fancy Drill ng pinsan ko na nag-aaral doon. Nagulat ako at namangha nung nagpaputok sila ng maraming beses sa kanilang Fancy Drill, hindi ko inakala na tunay na baril ang ginamit nila doon. Sa huling araw namin doon, kami ay nagsimba muna bago mamasyal muli.
Nagpunta kami doon sa bahay ng mga kamag-anak namin doon. Ako ay namangha sa kalikasan dito sa Baguio nung pumunta kami sa kanilang bagay. Napakaganda ng taniwin ng mga bundok at gubat. Pagtapos nun ay pumunta na kami ng Burnham Park. Ako ay namangha ulit sa ganda ng kalikasan dito. Hindi ko inakala na may ganitong lugar pa pala sa Pilipinas tila, ayaw ko na umalis dito. Kami ay kumain ng huling hapunan namin dito sa Baguio sa SM Baguio. Namangha ako na pinagsamantalahan ng SM ang lamig sa Baguio sa pamamagitan ng paglagay ng mga bukas na bukas na entrance at mga teresa upang makita ang magandang tanawin ng Baguio.

Sa gabing iyon, naghanda na kami sa aming pag-uwi. Mahirap man tanggapin na uuwi na kami pero lahat ng bagay ay katapusan. Ang aking naranasan sa Baguio ay laging mananatili sa aking puso. Nakalulungkot lang na hindi ko naranasan ang laging kinekwento sa akin ng aking ina na may lumalabas na usok sa bibig ko sa lamig. Hindi na kasi ganun kalamig sa Baguio tulad ng dati dahil sa polusyon. Hiling ko na mapanatili nila ang ganda ng Baguio at mabalik ang dating kalagayan nito.

Published by Ralph Esguerra

Aklan aking napuntahan

Wala nang mas sasaya pa sa pagbalik sa iyong kinalakhan lalo na kung kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Ang Aklan ay matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang Visayas. Kalibo ang kabisera nito. Matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ng Panay ang lalawigan. Ang hangganan nito ay umaabot sa mga lalawigan ng Antique sa kanluran at Capiz sa timog-silangan. At kung ikaw ay nagnanais ng mapayapa ay refreshing na paglalakbay isa sa magandang desisyon ang pagpunta sa aklan.
Ang aking ina ay orihinal na nakatira sa Buruanga, Aklan kaya’t madalas rin akong napaparoon nung bata pa ko. Matapos ng ika-apat na baitang di na kami muling nakabalik dun, gawa na rin ng problemang pinansyal at sadyang abala na sa trabaho ang aking mga magulang gayon na din sa pagaalaga ng aking nakababatang kapatid. At makalipas nga ng ilang taong di ko pagbalik rito. Sa Wakas! Noong nakaraang taon April 2017 ay nagkaroon kaming muli ng pagkakataon na muling makabalik sa lugar na lubos kong minahal saaking pagkabata. Ang Aklan.
Sumakay kami ng Bus papuntang batangas port upang dun sumakay ng RO-RO papuntang Caticlan, Malay, Aklan At makalipas ng Sampung oras niya byahe ay narating na namin ang lupain ng Aklan at saaming pagbaba’y agad kaming sinalubong ng aming mga kamaganak na piniling manirahan sa aming probinsiya. At saaming pag biyahe pauwi sa bahay nila mama ay pinagmasdan ang aming mga dinaanan at napabulong saaking sarili na “ang laki na ng pinagbago ng lugar na toh” dahil ang dating maputik at bakubakong daanan ngayo’y simentado na. May mga iilan na din bagong establisyimento ang itinatatag dito. Nakamamangha lang dahil ang laki na ng ikinaganda ng lugar na iyon. At kasabay ng pagmamasid ko sa kahabaan ng kalsada pauwi saamin ay ninanamnam ko ang malamig at masarap na hanging dumarampi saaking mukha at napangiti ako kasi ilang taon na din mula nung malanghap ko itong sariwang hangin na ito. Pagkarating namin sa bahay nila mama Animo’y isang pista ang magaganap sa dami ng pagkain na nakahanda sa lamesa. Malaki na rin ang pinagbago ng tahanan nila mama mas maayos na at mas pinalaki. Ngunit hindi ang mga tao rito. Dahil ganoon parin sila kabait at kainit ang pagtanggap saamin.
Makalipas ang ilang araw na pananatili sa bahay namin sa probinsiya pana’y laro, kwentuhan lamang ang aming ginawa, at isang araw gawa ng mainit na panahon dahil summer nga ay Napagdesisyunan ng aming pamilya na pumunta sa “Malumpati river” na matatagpuan sa Pandan, Antique.
Pagkatapos ng mahigit isang oras na byahe ay narating na namin ang isa sa pinaka naging paborito kong lugar mula nung araw na yun! Ang malumpati river! Di ganoon karami ang tao kaya at talaga namang napapaligiran ito ng mga matatayog na puno na siyang nagdagdag ng lamig sa lugar. Maituturi ko itong perpektong lugar para sa mainit na panahon. Dahil bukod sa malamig na paligid ay sadyang kay lamig at kay linaw rin ng tubig nito. Isa sa pinaka di ko malilimutan dito ay yung sumakay kaming magpipinsan sa salbabidang gulong at nagkapit kapit at sumabay sa agos ng tubig at halos tangayin na kami sa dulo ng ilog. At syempre di mawawala ang nagsasarapang mga pagkain na iniluto ng aking mga tiyo at tiya.
Ngunit hindi pa diyan nagtatapos ang paglalakbay ko sa Aklan. Dahil sa mga sumunod na linggo ay tumungo naman kami sa “Mararison island” na siya namang matatagpuan sa Culasi, Antique. Ito yung island na di ko tlaga makakalimutan! Dahil halos kahawig siya ng boracay, mas malinis nga lang at hindi ganun kapino ang buhangin. Pero sulit dahil wala gaanong tao! At ang pinaka dabest ay sa gitna ng isa ay mayroong bundok na pupwedeng akyatin! At yun ang unang una kong hiking sa buong buhay ko.
At syempre kapag pupunta ka ng aklan isang bagay ang hinding hindi mo pupwedeng palampasin bago ka umuwi ng maynila. At yun ay ang pagbisita sa Boracay! Nakalulungkot lang isipin na ang laki na ng pinagbago ng boracay mula nung huli ko itong datnan. Higit na mas malinis noon ang boracay kesa noong nakaraang taon. Ngunit gaya parin ng dati ay masaya parin ang boracay, puno ng tao, mga pailaw, mga naggagandang sandcastles At iba pa.
Pero di naman magiging masaya ang lahat ng yan kung hindi ko kasama ang aking pamilya. Isang bagay na sobra kong pinahalagahan nung mga panahon na yun ay ang mga oras na ginugol ko kasama ang aking pamilya, malayo sa magulong siyudad. Dahil paminsan ang paglalakbay ay hindi lamang patungkol sa mga lugar, bantayog, tourists spots na pupuntahan mo. Bagkus ay ang mga tao rin na iyong makakasama sa iyong paglalakbay. At dito nagtatapos ang aking kwento tungkol sa muli kong pagbalik sa lugar na aking minahal saaking paglaki. Animo’y isa itong muling pagtatagpo ng magirog na matagal na nagkahiwalay.

Published by Carlos Wackyn Sanchez

Las Casas Filipinas De Acuzar

Ako si Harold Palad at aking ikukuwento sainyo ang isa sa mga magagandang lugar na aking  napuntahan ay ang Las Casas Filipinas De Acuzar. Kakaiba ang dating ng lugar nito, para kang bumalik sa nakaraan dahil sa kakaibang disenyo ng mga bahay at gusali dito. Malinis, maaliwalas, tahimik, at samahan mo ng napakagandang  tunog at simoy ng dagat at tiyak na parang ayaw mo nang umalis.

Subalit di man kami nakapagtagal doon tulad ng inaasahan, natitiyak ko hangang ngayon na babalikan ko rin ang lugar na iyon. Ating makikita rin ang lugar na ito sa mga palabas sa telebisyon. Nagsisili itong setting sa mga pelikula na may makalumang tema. Nirerekomenda ko sa mga tao ang lugar na ito lalo na kapag mayroon kayong pera. Nakakatawa man pakinggan pero medyo mabigat ito sa bulsa, ngunit sulit naman. Sa pagtagal ng panahon maaring mas gumanda pa ang lugar na ito kesa sa ikinagaganda niya sa ngayon at sana ay huwag nilang babaguhin ang istilo at disenyo ng napakagandang lugar na ito.

 

dsdc

Published by Harold Palad II

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s